Sinubukan ko pong mag-apply sa Pondo Peso para lang malalaman kung paano gagawin ang step by step guide para sa mga followers namin dito sa aming blog.
Minabuti namin na gawin ito kahit hindi kami nag-aim na makakautang sa kanila para lang maibigay namin ang completong detalye kung paano gagawin ang application sa kanilang app.
Kailangan lang na ma-install nyo ang kanila app galing sa Google Play Stor. Kung nasa cellphone nyo na ito, mas mabuting gagamitin nyo cell number ay yong sim na nakasaksak sa hawak nyong cellphone para mag auto filled ang code galing sa system nila. Ilang seconds lang agad nyo ng matatanggap ang code at e CONFIRM nyo nalang ito makakapasok na kayo sa app nila.
Kindly provide the necessary details para ma register kayo at tuloy na ang pag-apply nyo.
Bago sa verification process mayron silang hinihingi na basic details like your real name kung ano ang nakasulat doon sa ID na ipapadala mo sa app nila at magkano ang salary mo. Kapag nagawa mo na, they will verify your identity.
Kailangan magawa mo ng maayos ito dahil hindi ka makakatuloy kung hindi ma-acknowledge ng camera ang mukha mo sa app at picture ng inyong ID at iyong selfie.
Tapos noon, kailangan mong i-fill up ang EMPLOYMENT information para sa credit score mo. Dapat completo at tama ang mga detalye. Siguraduhing nagawa ng tama ang kailangan nila under your PERSONAL information.
Dapat totoong mga tao ang inilagay nyo sa EMERGENCY contact, isa sa pamilya mo at isa naman sa kaibigan o katrabaho mo. Kailangan naka-save na sa inyong contacts o phonebook ang cellphone number ng iyong asawa, magulang at kapatid. Ganun din sa iyong kaibigan at kasamahan sa trabahon. Hindi tulad sa ibang apps na ikaw mismo mag input sa mga numbers ng inyong reference, sa Pondo Peso iba ang estelo nila. Deretso nila itong kunin sa iyong phonebook para ito'y totoong contact hindi gawa-gawa lamang.
Kung gusto mong tumaas at umabot sa maximum loan amount ang credit limit mo sa kanila, kailangan mong i-link ang inyong facebook account at iyong Google Play Gmail account.
Nasa inyong desisyon kung i-link nyo sa app ang inyong facebook account at gmail kung may 100% tiwala kayo sa kanila.
Tulad sa sinabi namin, wala pa namang hindi magandang pangyayari na lumabas galing sa kanilang mga client na umutang na sa kanila.
Pero mag-ingat pa din kayo at huwag, gamitin ang Gmail account kung saan doon naka link ang mga bank nyo dahil posible itong makuha nila ang iyong detalye.
No comments:
Post a Comment