Basahin ang aming gabay kung paano gagawin ang loan application sa Easy Peso sa mabilis at napaka-simpleng paraan. Ang online lending na ito ay isa sa pinakamabilis mag disburse ng loan upang matugunan agad ang pangangailangan ng mga Filipino lalo na kung ito ay badly needed ng isang tao. Sa loob ng limang (5) minuto ay matatapos na ang loan application nyo kung nagawa mo ito ng maayos. Kaya bago gawin ang application, basahing mabuti ang gabay naming ito.
Paano gagawin ang pag-apply ng loan sa Easy Peso?
Download at install the app na makikita nyo sa Google Playstore. Siguraduhing malakas ang inyong internet connection para hindi kayo mag-antay ng matagal kapag masyadong loading ang connection.
Kung hindi mo ito i-allow, hindi ka makapagpatuloy sa inyong application.
Pero kung ayaw nyong magpatuloy, just click DENY.
Kung nakapag-register kana, log-in gamit ang iyong cellphone number at ng iyong password.
Kung unregistered o hindi kapa nakapag-register, pindutin ang New User/Register para kayo'g makapag-register.
Enter your cellphone number, siguraduhin na completo ang inyong cell# na ilagay, dapat may 0 kahit nakalagay na ang +63 sa gilid dahil kung walang zero, mag-i-error ito.
Antayin ang verification code na matatanggap mo sa iyong cell# at yon ang ilagay sa box ng verification. Gumawa ng password na 6-20 characters or digit. Keep your password sa isang papel para hindi nyo makakalimutan.
Click registered after nalagay na ang mga kinakailangang mga detalye. Pagkatapos pumili ng disbursement method. Cash Pickup sa pinakamalapit sa iyo na padala center. Dalawa lang ang pagpipilian; M.Lhuillier at Palawan Express.
Kapag nakapili na ng padala center para makuha ang inyong loan, pindutin ang NEXT para sa susunod na step.
Just ALLOW Easy Peso to access your location. Aalamin nila ang inyong exact location kung ito ay similar doon sa mga nilagay mong address sa inyong application form.
Ilagay ang inyong buong pangalan, gender, date of birth, your complete address.
Pagka sinabing complete address, dapat totoo ang nilaya nyo para hindi sasalungat sa iyong online location na makikita ng Easy Peso sa kanilang system.
Please provide your email address para sa method of communication bukod sa cellphone number.
Provide your valid ID number at kunan ng larawa ito.
Kailangan malinaw ang pagkakuha ng larawan para ma-identify agad nila.
Kailangan mo rin kunan ang iyong sarili ng larawan, dapat hawak mo ang iyong valid ID.
Siguraduhing malinaw ang pagkakuha at nababasa ito ng Easy Peso system.
May option ka din to connect your facebook account at ang lazada account mo.
Optional lamang ito hindi compulsory.
Inaalam nila ang iyong employment status. Kung ikaw ba ay employed, self-employed, business owner at iba pa.
Ilagay din ang pangalan ng inyong company kung saan ikaw ay nagta-trabaho.
Provide your position, ilang taon kana sa kompanya at ang complete address ng kompanyang pinagtrabahoan mo.
Inaalam din nila ang inyong buwanang sahod o ang income ng iyong negosyo kung ikaw ay isang business owner.
Kailangan mo ding mag-provide ng payslip. Your latest payslip ay kunan nyo ng larawan directly sa Easy Peso app.
Kapag sigurado na kayo na malinaw ang pagkakuha ng larawan, you can proceed to the next step. Kung malabo ang kuha, pwede mong uli't-ulitin para maging malinaw.
ALLOW Easy Peso to access your contacts. Mas maganda kung ang gamit mong cellphone ay maraming naka-phonebook. Kung wala masyadong laman, ito maging dahilan na rejected or declined ang inyong loan application.
ALLOW also Easy Peso to make and manage phone calls. Pwede nilang tawagan ang iyong contacts kapag hindi ka nagbabayad o during sa CI tatawag din sila kung kinakailangan.
Mag-provide kayo ng dalawang Emergency contact sa kanila. Ito'y sakaling hindi ka magbabayad, tatawagan nila o during CI tatawagan nila ito kung kinakailangan.
Ang dalawang contacts ay direktang makukuha sa iyong phonebook. Hindi ito manual na ibibigay. Dapat naka-phonebook na ito sa iyong contacts.
Maganda kung buong pangalan ang nakasulat sa inyong phonebook at completong contact number para agad itong makuha ng app.
Kung tapos na ang dalawang emergency contacts, pindutin ang SUBMIT para ito'y padala sa kanilang opisina ang iyong application.
Re-check your loan breakdown. Remember na sa P4,000 na uutangin mo sa loob ng 14 days, mayrong deductions tulad ng Processing Fee na P140, Royalty Fee P800. Ang net proceed na makukuha mo ay P3,060 nalang.
Pagkatapos ng 14 days, kailangan mo bayaran ang iyong loan sa buong halaga na P4,560 kasama na dito ang P560 na interest, nasa around 1% per day ang interest na pinapatong nila.
Kung iyong i-compute, ang balik sa pera nila na pinahiram sayo na P4,000 ay P1,500 sa loob lamang ng 14 days.
To confirm your loan application. Pindutin ang GET MONEY, kasunod nito ALLOW Easy Peso to send and view SMS messages sa inyong cellphone.
Mayron kayong matatanggap na verification code sa iyong cellphone. Ito ang ilalagay nyo para tuluyan ng mapadala at maging successful ang pag-apply nyo ng loan.
LOAN APPLICATION SUCCESSFULLY SUBMITTED. Mag-antay lamang na may tatawag para i-confirm ang inyong application.
Tapos nito check your loan status. Makikita nyo sa app na naka PENDING na ito waiting for evaluation.
Para kilalanin ang Easy Peso, you can check and read our previous post tungkol sa lending company na ito. Please click this linka: http://bit.ly/EasyPesoKilalanin
Source: https://www.usapangpera.ph/2018/09/easy-peso-paano-mag-apply-ng-loan.html
Source: https://www.usapangpera.ph/2018/09/easy-peso-paano-mag-apply-ng-loan.html
No comments:
Post a Comment